OMBUDSMAN, SINAMPAHAN NANG KASONG PLUNDER SI MARCOLETA

Manila, Philippines — Naghain na ng kasong plunder at tatlo pang kaugnay na kaso ang Office of the Ombudsman laban kay Senator Rodante Marcoleta sa Sandiganbayan.

Kaugnay ito ng umano’y pagtanggap niya ng ₱75 milyong campaign contributions bago an g 2025 senatorial elections ngunit hindi umano nito idineklara sa kanyang Statement of Campaign Expenditures (SOCE) o maging sa statement of Assets, liabilities, and Net worth (SALN).

Bukod sa kasong plunder, nahaharap din si Marcoleta sa kasong indirect bribery at paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na tumanggap ng mga regalo o benepisyo kaugnay ng kanilang posisyon.

Kinasuhan din ng Ombudsman ang tatlong umano’y campaign donors ni Marcoleta na sina dating Congressman Michael Defensor, at mga negosyanteng Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray.

Kapwa rin silang nahaharap sa mga kasong plunder, indirect bribery, at paglabag sa Presidential Decree No. 46 dahil sa umano’y pagbibigay ng mga kontribusyong naging batayan ng reklamong isinampa.

Tumanggap ni Marcoleta ng magkahihiwalay na donasyon na may kabuuang 75 million pesos.

Inamin mismo ni Defensor na inabutan niya ng 30 milyong piso si Marcoleta, 25 million pesos mula kay Espiritu, at 20 milyon pesos mula kay Viray.

Batay sa pahayag ng Ombudsman, inamin din mismo ni Marcoleta sa publiko ang pagtanggap niya ng pera.

Magiging usapin na lamang umano sa paglilitis kung sapat ba ang mga ito upang maituring na plunder at bribery sa ilalim ng batas.

Binigyang-diin din ng Ombudsman na hindi pa rin nawawala ang presumption of innocence ni Senator Marcoleta at nananatili ang kanyang karapatang ipagtanggol ang sarili sa harap ng Sandiganbayan.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Senator Marcoleta at ang iba pang mga akusado kaugnay sa mga kasong isinampa laban sa kanila.

Noong Martes, nagkasa ang kapilya ng Iglesia ni Cristo ng biglaang kilos protesta sa Edsa White Plains na ikagulat ng commuter, sektor ng transportasyon, maging ang mga otoridad- na tumagal hanggan huwebes ng gabi sa Liwasang Bonifacio sa Manila.

Layunin ng kilos protesta na magpakita ng suporta para kay Marcoleta dahil sa napipintong kaso ng plunder at pag-aresto sa senador.

Share this