VP SARA, INATASANG DUMALO SA PAGSISIMULA NG IMPEACHMENT TRIAL SA JULY 6

Manila, Philippines — Opisyal nang nagbaba ng notice ang Senate Impeachment Court na iniimbitahan si Vice President Sara Duterte na sumipot at dumalo sa pagbubukas ng impeachment trial sa darating na Lunes, July 6.

Batay sa July 2 notice na nilagdaan ni Senate President at Presiding Officer Sherwin Gatchalian, inatasan na ng Senate Impeachment Court si Duterte na dumalo sa trial, in person man o sa pamamagitan ng kanyang legal counsel.

Nakatakda ang pagdinig ng July 6, 2:00 PM.

Batay sa resulta ng naging pre-trial conferences, inaprubahan ng Senate Impeachment Court ang pagsasagawa ng 92-day na trial.

May 11 nang muling iimpeach ng House of Representatives si Duterte para sa mga alegasyon kaugnay ng umano’y maanomalyang confidential funds, undeclared wealth, bribery, grave threat at iba pang isyu.

Sa hiwalay na notice, kinumpirma ng Senate Impeachment Court sa House of Representatives na handa na ang senado para sa nakatakdang pagdinig sa Lunes.

Maglalaan din ang Senado ng pwesto para sa miyembro ng publiko na nais dumalo sa hearing sa Lunes.

Nakatakdang magbukas ang online registration alas dos ng hapon isang araw bago ang scheduled trial date.—Mia Layaguin, Eurotv News

Share this