Manila, Philippines – Inaresto si Senator Rodante Marcoleta at ang tatlo pang akusado ng Sandiganbayan dahil sa kasong plunder at tatlo ng kaugnay pang kaso.
Ang pag-aresto sa senador ay may kaugnayan sa pagtanggap nito ng campaign donation na 75 million pesos.
Inisyuhan ng warrant of arrest sina Marcoleta at dating congressman Mike Defensor, businessmen na sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu.
Pahayag ng abogado ng senador na si Atty. Patrick Velez, kusang sumuko si marcoleta, simbolo ng act of good faith.
Nitong umaga ng Lunes, nagtungo sa sandiganbayan si Marcoleta para sa pagdinig kanyang inihaing mosyon na ibasura ang kasong plunder at ipagpaliban ang pagpapalabas ng warrant of arresta laban sa kanya.
Ngunit hindi kinatigan ng korte ang mosyon ng Senador, na naging resulta ng paglalabas ng warrant of arrest laban kay sa kanya at sa tatlong campaign donation donors.
Ayon kay Marcoleta, inaasahan na nya ang mga proseso laban sa kanya ngayong lunes at binigyang diin niya na hindi niya tatakbuhan o pagtataguan ang mga isyu na iniuugnay sa kanya.
Kinumpirma rin ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang pag-aresto sa dalawang campaign donors ng Senador.
Sina Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Espiritu ay naaresto sa isang coffee shop sa Quezon City.
Duon umano natunton ng mga Criminal Investigasting and Detection Group ang dalawa matapos ilabas ang arrest warrant.
Dinala sa Camp Crame si Senator Marcoleta para sa booking process, kasama si Remulla.—Krizza Lopez, Eurotv News