‘AKAY NI GOB MOBILE BOTIKA’ PROGRAM, UMARANGKADA NA SA CALAMBA, LAGUNA

Laguna, Philippines – Naghatid ng tulong medikal sa Barangay Kay Anlog, Calamba City, Laguna ang programang “Akay ni Gob Mobile Botika” na layong magbigay ng tulong medikal sa residente nito.

Sa pangunguna ni Governor Sol Aragones, inaasahan na maraming residente ang mabibigyan ng mas mabilis at episiyenteng access sa usaping medikal lalo na sa mga nangangailangan na nasa malalayong lugar.

Ilan sa mga hatid na serbisyo ng programa ay ang pagbibigay ng libreng gamot tulad ng Losartan, Amlodipine, Atorvastatin, Metformin, Clopidogrel, at Vitamin Supplements gaya ng Vitamin B Complex.

Para makakuha ng libreng maintenance na gamot, inabisuhan lamang ng pamahalaan ang mga residente na dalhin ang kanilang bago o lumang reseta ng gamot at isang valid ID. – Jen Latuga, Contributor

Share this