IRISH NATIONAL NA NAGWALA SA TOWING OPS NG MMDA, NAKATAKDANG IPA-DEPORT 

Manila, Philippines — Nakatakda nang ipa-deport ang isang Irish national na nag-viral matapos matapos na magwala at manira ng isang tow truck nang hulihin ang kanyang sasakyan sa clearing operations ng MMDA nitong July 8.

Ang nasabing Irish ay ang 61 year old na si Michael Patrick Oreilly, na inaresto noong July 13 sa Camp Caringal sa Quezon City.

Ayon sa BI, lumabag umano si Oreilly sa mga kondisyon ng kanyang pananatili sa Pilipinas at itinuring siyang isang undesirable foreign national.

Isinailalim siya sa booking procedures bago inilipat sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Muntinlupa City habang hinihintay ang deportation proceedings laban sa kanya.

Ayon sa BI, ang pananatili ng mga dayuhan sa Pilipinas ay isang pribilehiyo na may kaakibat na pananagutang sumunod sa batas at igalang ang mga Pilipino.

Share this