DA NAGLATAG NG SUPORTA, TULONG SA MGA MAGSASAKANG NAAPEKTUHAN NG BAGYO, HABAGAT

Manila, Philippines — Umabot na sa mahigit P197.15 Milyon ang pinsalang naidulot ng Bagyong Maymay at Luis na pinalaks pa ng Habagat sa buong sektor ng Agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Batay sa pinakahuling datos ng DA umakyat na sa 7,802 magsasaka at 6,973 ektarya ng sakahan ang apektado nito na karamihan ay nagmula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central luzon, Calabarzon, MIMAROPA, at Western Visayas.

Sa ngayon naghahanda na ang ahensya ng iba’t ibang suporta at tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo para makabangon muli.

Ilan dito ang mahigit P110.5 milyong halaga ng Agricultural Inputs, tulad ng mga binhi ng palay, mais, at gulay.

Mayroon ding zero-interest loan hanggang P25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery loan program ng Agricultural Credit Policy Council.

Samantala nakahanda rin ang 600 na Sako ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) para sa mga naapektuhang LGUs, partikular na ang Ilocos Province.

Patuloy naman ang assessment ng DA sa mga lugar na naapektuhan upang mabigay ng karagdagang tulong at suporta sa mga naapektuhang magsasaka.—Precious Bartolome, Contributor

Share this