MANILA LGU, PATULOY NA BINABANTAYAN ANG W.I.L.D. DISEASE SA LUNGSOD

Patuloy na binabantayan ng Manila City Government ang kaso ng W.I.L.D diseases sa kanilang lungsod.

Base sa pinakabagong tala ng Manila Public Information Office (Manila PIO) ngayong August 13, 2026, umabot na sa 2,222 ang kaso ng dengue, sumunod naman sa pinakamataas na kaso ang Influenza-like Illness na umabot na ng 904.

Habang 134 naman ang kaso ng leptospirosis, may 82 na kaso na rin ang COVID-19.

281 kaso naman para sa Severe Acute Respiratory Infection (SARI), 64 na kaso ng Typhoid Fever, at tatlong kaso ng Cholera.

Ang W.I.L.D. disease ay binubuo ng Water-borne, Influenza-like illness, Leptospirosis, at Dengue na karaniwang nakukuha tuwing tag-ulan.

Siniguro naman ng pamahalaamg lungsod ng Maynila ang mga paghahahnda laban dito.

Matatandaan nga noong Agosto 3, 2026 ay inanunsyo ng Lungsod ng Maynila ang paghahanda laban sa W.I.L.D Diseases.

Inatasan na ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang City Health Officer na si Dr. Grace Padilla na siguruduhing handa ang mga pampublikong ospital, at tiyakin na may sapat na suplay ng gamot ang mga health center upang matugunan ang tumataas na bilang ng mga kaso ng W.I.L.D Diseases.—Francziene Gelacio, Contributor

Share this