METRO MANILA, ILANG KARATIG LUGAR, NAKARANAS NG MGA PAG-ULAN DULOT NG HABAGAT – PAGASA

Manila, Philippines — Patuloy na inuulan ang kabuuang bahagi ng metro manila at ilang katabing probinsya dulot ng habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical , and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa monitoring ng PAGASA as of 2:00 PM, ngayong araw ng Huwebes (Agosto 13, 2026), patuloy na umiiral ang epekto ng hanging habagat sa malaking bahagi ng luzon. 

Ayon sa ulat, bukod sa Metro Manila, maging ang Batangas, Bataan, Cavite, Zambales, Laguna, Rizal, Bulacan at Pampanga ay kasalukuyang nasa ilalim ng Yellow Rainfall Warning. 

Ibig sabihin, inaasahan ang patuloy na pag-buhos ng malakas na ulan na maaaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar. 

Dahil dito, nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar. 

Pinapayuhan ang lahat na maging handa, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar at malapit sa mga ilog. 

Samantala, sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 1,205,839 na pamilya o katumbas ng 4,177,097 na mga indibidwal ang apektado ng sama ng panahon, magmula pagtama ng bagyong Luis, Maymay, at pag-iral ng Habagat.

Habang 14,511 na pamilya o 51,912 na katao ang pansamantala munang nanunulayan sa mga evacuation.

Ayon sa DSWD, mahigit sa 473.6 million ang kabuuang halaga ng mga tulong na naipamahagi na ng tanggapan.—Rhea Trucio, Contributor

Share this