Manila, Philippines — Nasabat ang higit sa 1,600 grams ng hinihinalang ketamine na naka silid sa isang rabbit figurine ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark nitong Martes (August 11, 2025).
Ayon sa BOC, nagkakahalaga ng P8,375 milyon ang nahuling kontrabando na nasa loob ng rabbit figurine na may 1,675 grams na nanggaling umano sa bansang France.
Ito ay sa tulong ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-lATFAID). alinsunod sa inilabas na Warrant of Seizure and Detention sa paglabag ng Batas Republika Bilang 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Isinailalim ang figurine sa imbestigasyon ng standard Customs inspection procedures, partikular na ang K-9 sniff test.
Sa isinagawang naman physical. examination, natuklasan na naglalaman ng puting mala-kristal na substance ang pinaghihinalaang ketamine.
Ang ketamine ay ginagamit sa medisina ngunit, mapanganib na droga sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
“Patuloy nating babantayan ang ating mga paliparan at iba pang ports of entry. We will strengthen our enforcement and make sure our Customs frontliners are equipped to detect and stop illegal drugs and other contraband,” ayon kay Commissioner Ariel F. Nepomuceno.—Poliana Canuday, Contributor