DEPLOYMENT NG FILIPINO SEAFARERS SA NORTHERN BLACK SEA, PANSAMANTALANG PINAGBAWAL NG DMW

Manila, Philippines — Pansamantalang Ipinagbawal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng Filipino seafarers patungong Northern Black Sea dahil sa patuloy na hidwaan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang direktiba ay para sa manning agencies at principals noong nakaraang linggo, kasunod ng security assessments mula sa Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Dagdag pa ni Cacdac na kaya ito iniutos dahil matindi yalaga ang hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon pa sa kalihim, maaaring magpatuloy ang mga sea vessel sa area kahit na walang Filipino seafarers sa loob nito, ngunit patuloy ang abisyo sa mga Filipino crew member na huwag pasukin ang Northern Black Sea.

Paliwanag pa ni Cacdac, na batay sa security assessment ng DND at DFA na napakalinaw, dahil maging ang international community at Turkish Government ay nagpadala ng babala sa gitna ng patuloy na hidwaan sa Northern Black Sea.

Ang sea vessels daw ay maaaring magpatuloy kung walang on board na Pinoy seafarers, kung meron man ay huwag na nila itong ituloy.

Sinabi ito ni Cacdac matapos bisitahin ang Filipino seafarers sa Romania at Turkiya bilang bahagi ng kaniyang 10-day trip sa tatlong bansa, kabilang na dun ang Saudi Arabia.—Joycel Oropesa, Contributor

Share this