FLOOD MONITORING, RESPONSE, PINALAKAS NG MARIKINA LGU‎

Marikina City, Philippines — Pinaigting ng Marikina City Government ang flood monitoring, real-time mapping, at response operations bilang tugon sa matinding pag-ulan nitong Agosto 17, 2026.

Ayon sa LGU, lumampas sa carrying capacity ng ilang creeks at waterways ang sabay-sabay na pag-agos ng tubig mula sa upstream areas ng Rizal.

‎Isinasagawa ang real-time flood mapping upang matukoy hindi lamang kung saan may baha, kundi pati kung saan nagmumula, naiipon, at mabagal na lumalabas ang tubig.

Nitong Agosto 17 ay tumaas ang lebel ng tubig sa Marikina River at umabot ito malapit sa hangganan ng mga pader sa gilid ng ilog dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan.

‎Samantala, pinuri nitong mga nakaraang linggo ng ilang residente ang Marikina River dahil sa disenyo at tibay ng flood-control structures nito.

Isinagawa ang mga naturang proyekto upang makatulong sa pagkontrol ng pag-apaw ng ilog at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa lungsod.

Tinatayang ₱57.7 bilyon naman ang project cost ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase IV, bagama’t hindi ito nangangahulugang buong halaga ay aktuwal nang nagastos.—Rhea Elejan, Contributor

Share this