DOLE, NANAWAGAN NG MAS AGARANG PAGSUSURI SA SAHOD

Manila, Philippines — Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) at Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) na gawing mas maagap at flexible ang mga polisiya sa sahod upang makatugon sa pangangailangan ng mga manggagawa at employer.

Binigyang diin din ni Labor Secretary Francis Tolentino na hindi dapat hintayin ang petisyon ng mga manggagawa o ang paglala ng sitwasyon pang ekonomiya bago suriin kung sapat pa ang minimum wage.

Inilahad rin nya ang mid-year wage at price assessment upang regular na masubaybayan kung paano naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ang purchasing power ng mga manggagawa.

Samantala, kaugnay ng injunction sa NCR minimum wage increase, sinabi ni Tolentino na dapat igalang ang utos ng korte habang naghahanap ng ibang legal na paraan upang makatugon sa nagbabagong kalagayan.—Precious Bartolome, Contributor

Share this