DOJ: CICL NA GUNMAN SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING, MAHAHARAP SA DAGDAG 10 KASONG MAY KAUGNAYAN SA MURDER

Manila, Philippines — Panibagong patong-patong na kaso ang nakatakdang isampa laban sa 15 taong gulang na suspek sa insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City noong June 22, ayon sa Department of Justice.

Sa isang press briefing, kinumpirma ni DOJ Undersecretary Ian Norman Dato ang paghahain ng Tacloban City prosecutors ng 4 na counts ng frustrated murder at 6 counts ng attempted murder laban kay alias Rod—isa sa dalawang menor de edad na suspek sa pamamaril.

Sa nasabing insidente, tatlong kapwa mag-aaral ang nasawi habang 20 naman ang sugatan.

Ang panibagong kasong ito, hiwalay pa sa three counts ng murder, 3 counts ng frustrated murder, and multiple counts of physical injury na inihain ng Police Regional Office Eastern Visayas laban kay Alias Rod noong Hunyo.

Sa ilalim ng amended Juvenile Justice Welfare Act, ang mga 15 taon hanggang 18 taong gulang ay exempted sa criminal liabilities maliban na lamang kung madedetermina ng prosekyusyon na kumilos ang mga ito ng may discernment o malinaw na pagpapasya para gawin ang isang krimen.

Samantala, ang 14 na taong gulang na suspek na si Alias Nash, itinuturing na exempted sa criminal liabilities alinsunod sa batas.

Bilang ang dalawang suspek ay kapwa Children in Conflict with Law, kapwa rin silang sasailalim sa intervention programs ng Department of Social Welfare and Development habang gumugulong ang kaso laban kay Alias Rod.

Sa kasalukuyan, tinitingnan na ng mga awtoridad ang posibleng anggulo ng grooming sa mga kabataan ng mga organisasyong may kaugnayan sa terorismo.

Ayon kay Dato, suportado rin ng DOJ ang investigation in aid of legislation sa Senado kaugnay ng nihilitic violent extremism at radikalisasyon ng mga kabataan sa online platforms.

Share this