91 PAARALAN, NAKATANGGAP NG MAS MALAWAK NA SERBISYONG MEDIKAL – DEPED

Manila, Philippines — Dinala ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga serbisyong pangkalusugan nito sa 91 mga pampublikong paaralan sa buong bansa na napakinabangan ng higit sa 47,000 na indibidwal na binubuo ng mga guro, mag-aaral at non teaching personnel sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat”.

Sa kabuuang bilang 22,000 guro, 18,700 na mag-aaral at 900 na non teaching personnel.

Kasama ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Health (DOH) Philippine Statistics Authority (PSA) at ang school-based health caravan sa mga nagbigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan nang hindi naaabala ang klase.

Ilan sa mga pangunahing serbisyong inalok ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay ang medical consultation at preventive health registration.

Onsite registration para sa mga bagong miyembro ng PhilHealth, pag-iisyu ng opisyal na PhilHealth ID at Member Data Record (MDR). 

Kabilang din dito ang pamamahagi ng libreng gamot sa ilalim ng programang GAMOT ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na ang isang malusog na kapaligiran sa paaralan ay nakakatulong sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.—Krizza Mae Lauren, Contributor

Share this