NCRPO, NAKAFULL-ALERT NA SA SEPT. 21 PARA SA ANIBERSARYO NG DEKLARASYON NG MARTIAL LAW

Manila, Philippines — Magpapatupad ng full-alert status ang National Capital Region (NCRPO) para inaasahang kilos-protesta ng mga progresibong grupo bilang paggunita sa anibersaryo ng Martial law sa sept. 21.

Pahayag ni NCRPO spokesperson Maj. Hazel Asilo, nagsimula na ang pagpapatupad ng full alert status kaninang alas dose ng madaling araw, habang magsisimula naman deployment ng mga kapulisan sa sabado ng alas onse ng gabi.

Partikular na tutukan ng kapulisan ang mga lugar na posibleng dumugin ng mga progresibong grupo.

Kabilang Commission on Human Right, Edsa shrine sa Quezon City, Mendiola, US Embassy, at Luneta Park sa Manila.

Mahigit sa labing limang libong tauhan ng PNP ang idedeploy para tiyakin ang seguridad sa kilos-protesta, ayon kay PNP Spokesperson Col. Allen Rae Co.

Samantala, dagdag ni Asilo wala pang natutukoy ang tanggapan ng anumang banta sa seguridad, ngunit patuloy ang pagbeberipika ng mga otoridad sa posibilidad na may magdala ng armas sa mobilisasyon.

Nakikipag-ugnayan din aniya ang NCRPO sa organizers at marshals para sa bilang ng mga dadalo sa protesta.

Hinikayat din ng otoridad na panatilihing payapa ang pagkilos.

Tiniyak ng PNP na mananatili ang maximum tolerance at paggalang sa karapatang pantao sa kanilang operasyon.

Ayon sa kaniya, papasok lamang ang pulisya kapag may naitala nang karahasan, pambubugbog, pinsala sa ari-arian, o tiyak na banta sa pampublikong kaligtasan.

Pinalagan ng Malacañang ang mga balitang nagdidikta ito kaugnay ng nalalapit na Setyembre 21 rally.

Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Attu. Claire Castro, ipinaalala lamang ng Palasyo na bawal sa batas ang marahas na kilos-protesta.

[SOT: 26:36 – 27:07]
https://www.facebook.com/pcogovph/videos/1958773038138498

Samantala, tuloy ang ikakasang rally ng Alyansang Makabayan mula Liwasang Bonifacio hanggang Mendiola ngayong Lunes.

Binatikos ng grupo ang administrasyon sa diumano’y pananakot at ‘gaslighting’ sa mga aktibista sa halip na tugunan ang mga pangunahing isyu ng bayan.

Share this