KAPATID NI KIM CHIU, ARESTADO SA 124 COUNTS NG QUALIFIED THEFT

Quezon City, Philippines — Arestado ng Quezon City Police District o QCPD ang kapatid ng aktres na si Kim Chiu na si Lakambini o “Lakam” Chiu, 45-anyos, kaugnay ng kasong qualified theft.

Ayon sa pulisya, naaresto si Chiu bandang kahapon noong Setyembre 20 sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City.

Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84.

Nagtakda ang korte ng ₱5.838 milyon na recommended bail para sa 124 counts of qualified theft.

Nagsimula ang kaso sa reklamong inihain ni Kim Chiu matapos umanong lumitaw sa isang internal audit ang mga financial discrepancy sa kanyang business operations kung saan nakulimbat ang tinatayang 44 milyong piso.

Share this