Kalinga, Philippines — Ipinahinto na ang umano’y operasyon ng isang “drop ball” gambling activity sa loob ng compound ng Bulanao Market sa Tabuk City, Kalinga matapos ang ginawang aksyo ng kanilang konsehal noon.
Ayon kay konsehal Atty. Errol B. Comafay Jr., nag-post siya noong Setyembre 9 ng mga larawan at video na nagpapakita ng naturang aktibidad.
Sinabi ni Comafay na agad umanong nagsara ang operasyon matapos malaman ng mga nag-ooperate na na-post sa Facebook ang kanilang pasugalan.
Matatandaan naman na naghain siya ng resolusyon para sa investigation upang alamin kung paano nagkaroon ng drop ball operation sa loob ng Bulanao Market.
Binanggit din sa resolusyon na ang Bulanao Market ay pampublikong ari-arian at ang lugar na sinasabing pinagaganapan ng aktibidad ay ilang metro lamang mula sa Bulanao Police Sub-Station at Barangay Hall.