FAMAS TROPHY NI NIÑO MUHLACH, IBENENTA SA HALAGANG P500K

MANILA,PHILIPPINES – Ibenenta ng dating Child Star Actor na si Niño Muhlach ang kanyang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS)  trophy sa Pinoy Pawnstar Creator na si Boss Toyo sa Halagang P500,000 noong Martes  May 13,2024

Kilala si Muhlach Bilang “Child wonder of the Philippines”  dahil sa kanyang kritikal at komersyal na paggawa ng mga pelikula.

Tanyag din siya bilang highest paid child actor sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, kaya bumisita ito sa Pinoy Pawnstar kung saan ibenenta niya ang isa sa kanyang mga trophy bilang “ Best Child Performer “ na natanggap niya, halos limang dekada na ang nakararaan.

READ: GLOC9 JOINING ‘PAGTATAG FINALE CONCERT’ SAYS SB19

“Ako kasi ang dami kong FAMAS (awards). Ang problema hindi ko naalalagaan. Ngayon kung ilalagay mo sa museum mo at promise mo na ipapa-restore mo, I will give you one,” ayon yan kay Muhlach bago niya ipalit ang trophy na natanggap niya noong 1977 na halos 47 na taong nakalipas.

PHOTO COURTESY | SCREENSHOT : BOSS TOYO PRODUCTION YOUTUBE CHANNEL

Noong una Sinubukan ni Boss Toyo bilhin Ito sa halagang P100,000 ngunit kinalaunay sumang-ayon din ito sa halagang P500,000.

Mapapanood naman si Muhlach sa isang teleserye na Batang Quiapo bilang Baste at may ari ng isang Sports bar kung saan siya rin ang Boss ni bubbles at ni tanggol na ginagampanan ni Ivana Alawi at ni Coco Martin .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this