MANILA, PHILIPPINES – Walong Persons Deprived of Liberty (PDL) sa San Jose del Monte, Bulacan ang nakatakas gamit ang lagare sa kanilang bintana sa comfort room ng kanilang kulungan.
Batay sa pinakahuling ulat ng Philippine National Police, apat ang naibalik na sa kulungan habang patuloy naman ang manhunt operation sa natitira pang nakatakas.
Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad kung paano naipasok ang lagari sa bilangguan gayundin sa dalawang sinibak na pulis na nagbabantay sa mga preso.
Sa kuha ng CCTV na ito makikita ang anim na PDL na tumakas na naglalakad sa may San Pedro street, Barangay Poblacion dakong alas-tres ng madaling araw nitong Linggo.
Ayon naman sa San Jose del Monte City Police ang mga natitirang nakatakas ay pawang may mga kinakaharap na kaso sa sa iligal na droga at iligal possession of firearms.
Inalerto na rin ng San Jose del Monte City Police ang mga karatig bayan at lungsod para sa pagsasagawa ng drag net operations para tugisin ang apat na bilanggo.
Sinimentohan na rin at tinakpan ang bintanang dinaanan ng mga preso sa kanilang pagtakas.