Nasamsam ng mga pulisya ang mga fake BIR TIN card at natunton ang pinagmulan nito batay sa ibinigay na impormasyon ng isa sa reseller ng IDs.
Kinilala ang reseller ng pekeng mga ID na si Jerissa B. Aricuatro, kilala sa alias na ‘Yuri Chan’, kung saan inamin nito ang pinagkukuhanan niya ng mga IDs online.
Sa kooperasyon ng NBI at Bureau of Internal Revenue, naaresto nila ang suspek na si Geraldine Lomongo Tausa at natagpuan ang nasa dalawang daan at apat na pung mga fake BIR TIN cards at ang dalawang daan at limang pung mga blank Philhealth cards, ksama ng isang laptop at printer.
Ang mga nakuhang ebidensya ay idinala na sa NBI-CEVRO para sa mas masusing paglilitis.
Sa kasalukuyan naman ay isinasaayos pa rin ng mga awtoridad ang mga kasong maaaring ipataw sa suspek sa pamamagitan ng inquest procedings.