Manila, Philippines – Halos 4,000 kandidato para sa National at Local Election (NLE) sa susunod na taon ang nagparehistro na ng kanilang mga social media account sa Commission on Elections (Comelec).
Lumabas sa datos ng Comelec na may kabuuang 3,904 na bets ang nagsumite ng kanilang online registration noong Miyerkules, Disyembre 4, 2024.
Kabilang sa mga ito ang 24 ay senatorial bets, 3,775 local aspirants, at 105 na kinatawan ng party-list organizations.
Samantala, 2,096 aspirants ang nagsumite ng mga hard copy.
Itinakda ng Comelec ang deadline para sa pagpaparehistro ng online campaign platforms para sa susunod na linggo, Disyembre 13, 2024.
Sinabi naman ng poll body na walang extension.
Alinsunod sa Comelec Resolution No. 11064, ang lahat ng mga kandidato, partido, at kanilang mga campaign team ay inaatasan na irehistro ang lahat ng kanilang mga opisyal na social media account at pages, website, podcast, blog, vlog, at iba pang online at internet-based na campaign platform bago ang Comelec education and information division sa loob ng 30 calendar days matapos ang paghahain ng certificates of candidacy (COC).
Habang usuriin ng election task force ang mga aplikasyon at ieendorso sa Commission en banc. Ang aprubadong pagpaparehistro ay ilalathala sa opisyal na website at social media account ng Comelec.
Nauna naman na inamyendahan ng Comelec ang resolusyon, na nag-exempt ng privately owned accounts na nag-eendorso sa mga kandidato sa mandated registration.