Manila, Philippines – Mas pinahaba ang saya at suporta para sa pelikulang Pilipino dahil may tsansa ka pang makapanood ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movies 2024 hanggang January 14 sa mga piling cinema.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes, bunsod ito ng mataas na demand mula sa publiko at bilang pagkilala sa husay ng mga lokal na pelikula.
“We, at the MMFF, are overwhelmed with the continued support of the public for the festival’s 50th edition. Due to public clamor, we have decided to extend the theatrical run of the MMFF movies to further showcase the locally produced films that are truly impressive and artistically excellent,”
Dagdag pa nito, inaasahan nilang tataas pa ang kita ng MMFF kung saan ang kikitain mula rito ay mapupunta sa iba’t ibang organisasyon sa industriya ng pelikula tulad ng Mowelfund, Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Samantala, wala pang pormal na inilalabas na kita mula sa mga sampung pelikula ang MMFF.