VLOGGER NA GUMAPANG SA HIGHWAY, PINAGHAHAHANAP NA NG KAPULISAN

Consolacion, Cebu City — Pinaghahahanap na ng kapulisan ang isang vlogger na naka costume bilang kuhol na gumapang sa gitna ng isang highway sa Cebu.

Kuha sa video ang pag-gapang nito sa harap ng mga tumatakbong sasakyan habang naka berdeng kuhol ito na costume.

Ang ginawa na iyon ng vlogger ay hindi naman umabot ng isang minuto dahil kaagad itong tumakbo papalayo sa mga umaandar na sasakyan.

Ayon sa Highway Patrol Group Central Visayas, ang aksyon ng nasabing vlogger ay hindi maganda, delikado, at maaaring makaapekto sa publiko.

Nagpaliwanag naman umano ang vlogger na effects lamang ang mga maririnig na busina sa mismong video.

Gayunpaman, humingi na ng tawad ang vlogger sa kanyang naging aksyon sa nangyaring paggapang nito sa nasabing highway na tinanggap naman ng hepe ng HPG 7.

Sa kabila nito, tinitingnan pa ng mga awtorodad ang posibleng reklamong maaaring ipataw sa vlogger.

Share this