Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na naka-white alert code ang kanilang ahensya kasabay ng selebrasyon ng Pista ng poong itim na Nazareno mula yan January 9-10.
Ibig sabihin, ang mga nakaantabay na medical personnel, kasama na dyan ang mga ospital at kagamitang gagamitin sa panggagamot na nasasakop ng National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon ay dapat na maagap na makatugon sa anumang medikal na pangangailangan ng mga dadalo sa kapistahan.
Ayon sa DOH, magdedeploy sila ng medical teams at magtatayo ng health stations sa mga posibleng dadaanan ng traslacion lalo na sa Quirino Grandstand, Rizal Park, SM Manila, Ayala Bridge, P. Casal Street at Quinta Market.
Mahigit din daw sa 200 na tauhan mula sa 20 ospital ang aalalay sa mga mangangailangan ng medikal na atensyon kasama ang iba’t ibang sangay na ahensya ng pamahalaan.
Hinikayat naman ng Kagawaran ng kalusugan ang mga deboto na huwag ng sumama sa gaganaping prusisyon kung masama ang pakiramdam upang hindi magkaroon pa ng aberya.
Pinayuhan naman ang mga makakadalo na sundin ang health and safety precaution ng DOH gaya ng pag inom ng maraming tubig, pagsuot ng komportableng damit, at umiwas sa matagal na pagkakababad sa initan upang makaiwas sa heat stroke at iba pang heat-related illnesses.
MAS MALAKING DISCOUNT NG MGA GAMOT SA SENIOR AT PWD’S, PINAG-AARALAN NA NG FDA
Pinag-aaralan na ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang posibilidad na pagpapalawig pa sa discounts na makukuha ng mga senior citizens at Person with disabities (PWD’s) sa ilang gamot at medical devices na kanilang bibilhin.
Sa inilabas na pahayag ng FDA, sinabi nitong bukod sa hindi na recquired ang pagpapakita ng booklet para makadiskwento sa gamot.
Iniisip na rin daw ng mga opisyal ng ahensya na madagdagan pa ang mga dicounts at benepisyo na maaaring makuha ng mga senior at Pwds kabilang na rin daw dyan ang VAT exemptions sa ilalim ng CREATE Law.
Samantala, nakatakda namang magsagawa ng malawakang information drive ang FDA para sa kaalaman ng publiko.
Layon ng FDA na mas mapadali ang proseso sa pagbili ng mga gamot habang nakakakuha ng mas malaking diskwento para sa senior at may kapansanan.