GILAS NAKATAKDANG MAKIPAGTUNE-UP SA TAIWAN BAGO SUMABAK SA EUROPA

Manila Philippines – Sa darating na ika-24 ng Hunyo sasabak ang Gilas Pilipinas sa isang friendly game laban ang Taiwan Mustangs bago tumungo sa Olympic Qualifying Tournament sa Europa.

Nakatakdang makipaglaro ang Team ng Gilas Pilipinas laban sa Team ng Taiwan na binubuo ng mga beteranong NBA superstar na sina former defensive player Dwight Howard kasama sina Demarcus Cousins at Quin Cook.

Bahagi ito ng paghahanda sa gaganaping Fiba Olympic Qualifiers Tournament sa Riga, Latvia sa darating na Hulyo.

Subalit hindi pa rin sigurado kung makakapaglaro ang mga dating NBA Stars laban sa team ng Mustangs. Ang laro ay magsisilbing daan sa Gilas para sa Nationals bago sila lumipad sa Europa.

Dalawang kuponan ang makakalaban ng Gilas sa Hulyo partikular na ang Turkey at Poland.

Ang bubuo sa kuponan ng Gilas Pilipinas para sa qualifying tournament ay sina Justin Brownlee kasama ang Ginebra stars na sina Scottie Thompson at Japeth Aguilar, bagong nakasungkit ng PBA All Pilipino Cup Champion at Finals MVP na si Chris Newsome at ang kanyang mga katunggali sa titulo na sina Cj Perez at June Mar Fajardo.

Kabilang rin sa line-up ng kuponan sina Calvin Oftana, Kai Sotto, Dwight Ramos, Mason Amos at ang duo na sina Kevin Quiambao at Carl Tamayo.

Hindi pa tiyak na makakalaro sa Team si Aj Edu na humaharap pa rin sa knee injury, at si Jamie Malonzo na nagpapagaling dahil sa calf injury.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this