Umaabot ng 10.85 million na sako ng bigas na nagkakahalaga ng P24.4 Billion kada taon ang naaaksaya ng bawat isang Pilipinong may nasasayang na 2 tablespoon ng lutong kani kada araw.
Ayon sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) maaari na sana itong makapagpakain ng mahigit 5.17 million na Pilipino sa buong taon.
Dahil dito hinikayat ng Philrice ang muling pagsusulong ng Half-Cup Rice ordinance sa mga Restaurant at iba pang kainan sa mga lugar na boluntaryong makikiisa sa kampanya Riceponcibility o kontra pagsasayang ng kahit isang butil ng kanin.
Sa paraan daw na ito sapat lang ang makakaing kanin ng mga Pilipino ng walang naakasayang pagkain.
Ang kampanya ay dadalhin sa mga paaralan, komunidas, palengke, lugar ng pinagtatrabahuhan at terminal.
Palalawakin din daw nila ito sa mga nagsasagawa ng food tasting activities, exhibit at iba pang public events.
Kasama rin sa ikinakampanya ang panghihikayat sa publiko na bumili ng mga locally produced rice bilang suporta sa mga magsasaka.
Mas ikinokonsidera rin ng DA-Philrice ang pagpili sa mga masusustansyang uri ng bigas gay ng brown, pigmented, low-glycemic index, at high-zinc rice.
Kabilang na rin dito ang bigas na may halong mais, kamote, saba, at adlai pata sa mas maraming fiber, vitamins, mineral at nutrients na makukuha.
Binigyang diin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na dapat maging responsable sa pagkonsumo ng kanin na titiyak na walang masasayang kahit isang butil. alang alang sa mga Pilipinong walang makain at mga magsasakang nagpapakahirap magtanim at mag-ani para lang makarating sa hapagkainan ng bawat isang pamilyang Pilipino.