Nakapag-refer ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ng daan-daang bilang ng kaso bilang pagpapaigting ng kanilang kumpanya kontra online libel.
Mula January 1 hanggang May 16, 2026, umabot na sa 276 na kaso ng online libel ang kanilang ini-refer para ito ay maisampa sa pormal na pag-uusig.
Bukod dito, nagsagawa rin ang PNP-ACG ng 32 police operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 32 indibidwal.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 4(c)(4) ng RA No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
May parusa itong apat hanggang walong taon na pagkakakulong.
Pinuri naman ni PNP-ACG Director Police Mayor GEN Wilson Asueta ang mga operatiba ng anti-cybercrime group at sinabing patuloy nilang palalakasin ang operasyon laban sa mga lumalabag sa cybercrime laws, alinsunod sa direktiba ni PNP Chief PGEN Jose Melencio Nartatez Jr.