Manila, Philippines — Nagsimula na ang Impeachment Trial ngayong araw ng Miyerkules na talakayin ang 1st Article of Impeachment ni Vice President Sara Duterte na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit niya Confidential fund.
Iniharap na ng House Prosecution Panel ang kanilang unang witness na dating branch manager ng Land Bank of the Philippines- Shaw Boulevard branch na si Violeta Constantino.
Sa direct examination ni House Prosecution member Joel Chua, idinitalye ni Constantino ang naging proseso ng pagwiwithdraw ng office of the Vice President ng 125 million pesos na Confidential Fund.
Mula sa pagtawag ng empleyado mula sa OVP-Cash Division na pinangalanang si Queenie Masangkay kay Constantino para ipaalam na magwiwithdraw ang OVP ng 125 million pesos, isang araw hanggang dalawang araw bago ang mismong araw ng encashment.
Hanggang sa pagkuha ni Gina F. Acosta at Limuel Ortonio ng milyong milyong pera sa Land Bank-shaw boulevard
Sa kanyang testimonya, apat na beses umano nag-encash ng cheque ang OVP sa Land Bank-shaw na ang bawat isa ay nagkakalaga ng 125 million pesos mula December 2022 hanggang July 2023.
Sunod naman na humarap sa paglilitis ang dating Branch Manager ng Land Bank-Deped Branch na si Nenita Camposano.
Batay sa testimonya ni Camposano, siya ang tinatawagan ni Sonia De Leon, Chief administration Office ng Deped para ipaalam na mag-eencash ng 37.5 million pesos ang deped.
Ayon kay Composano, tatlong beses nagpa-encash ng mga cheque si ormer DepEd Special Disbursing Officer (SDO) Edward Fajarda, bawat isa ay nagkakahalagang PHP 37.5 million pesos.
Ito ay winithdraw noong February 22, April 26, at July 13, 2023.
Ayon sa dalawang branch manager ng magka-ibang banko ng Land Bank, parehong dumaan sa fire exit ang mga opisyal ng OVP at ng Deped dala ang mga bag na naglalaman ng milyong milyong pera para sa kanilang seguridad.
Kapwa rin iginiit ng mga dating opisyal ng Land bank na ‘UNSUAL’ o kakaiba ang malaking halaga ng encashment ng OVP at ng DEPED.
Kinailangan pa kasi ng dalawang branch na tumawag sa cash center ng land bank para magpareserba ng mga pera at saka nila tatawagan ang opisyal ng dalawang ahensyang pinamahalaan ni Duterte sa oras na handa na ang mga ito.
Sa Land Bank-Shaw Boulevard branch, Hindi lang daw ang pagwiwithdraw ng 125 million pesos ang kakaiba sa transaksyon ng OVP, kundi maging ang withdraw nito thru cash.
Habang sa Land Bank-Deped branch, 10 million pesos lamang daw ang karaniwang winiwithdraw sa kanila ng deped.
Sa ilalim din ng pamumuno ni Duterte sa Deped naranasan ang pagwiwithdraw ng 37.5 million pesos nang tatlong beses sa Land bank-deped branch.
Madaling natapos ang direct at cross examination ng prosekusyon at ng depense team sa dalawang branch manager ng Land bank of the Philippines kung saan pina-encash umano ng OVP at ng Deped ang 650 million na confidential fund.
Gayundin ang intervene ng mga senator-judges sa mga witness.
Sa unang round ng examination para unang witness, hindi na nag cross examine si Atty. Michael Wesley Poa para sa defense team.—Krizza Lopez, Eurotv News