ISANG SEA TURTLE, TAMPOK SA E-BOOK TUNGKOL SA PANGANGALAGA SA WPS

Inilabas ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang isang children’s e-book series na layong ipakilala ang kahalagahan ng pangangalaga sa West Philippine Sea at sa yamang-dagat ng bansa.

Tampok ang pinamagatang The Wonderful West Philippine Sea with Pawi the Sea Turtle kung saan bida nga ang karakter na si Pawi, na magsisilbing gabay ng mga batang mambabasa sa paglalakbay sa ilalim ng dagat upang matuklasan ang mga likas yaman sa West Philippine Sea.

Ipinakikilala rin sa kuwento ang iba’t ibang sektor na tumutulong sa pangangalaga ng karagatan.

Ayon sa DENR, layunin ng e-book na maipaunawa sa mga kabataan na ang pangangalaga sa West Philippine Sea ay mahalaga para sa seguridad sa pagkain, kabuhayan, biodiversity, at likas na yaman ng bansa para sa susunod na henerasyon.

Maari naman makita ang kuwento ng libre. Bisitahin lamang ang Facebook page ng DENR.

Samantala, bukas din umano ang ahensya sa mga organisasyong nais magsalin nito sa iba’t ibang lokal na wika, maglathala ng mga kopya, o magsagawa ng storytelling sessions sa mga paaralan at komunidad. — Aliyah Esquillo, Contributor

Share this