MAHIGIT 1 MILYONG GRADE 11 STUDENTS, HIRAP PA RIN SA ‘READING COMPREHENSION’ — EDCOM 2

Manila, Philippines — Lumabas sa isinagawang Senior High School literacy assessment noong March 2026 na nasa 1.3 milyon sa 1.4 milyong Grade 11 students ang may problema sa reading comprehension.

Batay sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), 13% lamang ng mga mag-aaral ang maituturing na “independent readers” o mga estudyanteng kayang lubos na maunawaan ang kanilang binabasa nang walang gabay.

Habang karamihan o nasa 59% sa halos anim sa bawat sampung estudyante ang tinatawag na “Frustration Readers” o pinakamababang antas ng literacy kung saan halos hindi na nila nauunawaan ang teksto.

Samantala, 29% naman ang nasa “instructional level” o halos tatlo sa bawat sampung mag-aaral, na nangangailangan pa rin ng tulong at gabay mula sa kanilang mga guro upang maintindihan ang kanilang binabasa.

Dahil dito hindi maiwasan na sisihin ng ACT Teachers Party-list ang umano’y sistematikong problema sa education system, partikular na ang polisiya ng mass promotion kung saan naipapasa umano ang ilang estudyante kahit hindi pa handa.

Kaugnay nito lamang mga Grade 11 students ang apektado ng problema. Batay sa datos ng EDCOM 2, nasa 40 % ng mga estudyante sa iba’t ibang grade level ang hirap pa rin sa reading comprehension.

Matatandaan na ngayong School Year 2026-2027, ipatutupad ng Department of Education (DepEd) ang three-term school calendar para sa basic education.

Alinsunod sa DepEd Order No. 009, s. 2026, magsisimula ang klase sa June 8, 2026 at magtatapos sa April 8, 2027, bubuuin ang school year ng halos 201 class days, mula sa unang araw ng Term 1 hanggang sa huling araw ng Term 3 school calendar.

Sa ilalim nito, babaguhin na ang noo’y DepEd Order No. 012, s. 2025 o ang Multi-year Implementing Guidelines on the School Calendar and Activities.

Pagtitiyak naman ni Education Secretary Sonny Angara na tututukan ng DepEd ang pagpapalakas ng teacher training upang mapaigting ang pag-unawa ng mga estudyante, at hindi lamang ang simpleng memorization.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this