MOTORSIKLONG SANGKOT SA HIT-AND-RUN SA SAMPALOC, MAYNILA, PINAGPAPALIWANAG NG LTO

Inisyuhan ng Show Cause Order o SCO ng Land Transportation Office laban sa rider ng motorsiklong sangkot sa isang hit-and-run incident na ikinasugat ng isang estudyante sa Legarda Street, Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat ng LTO, naganap ang insidente sa isang pedestrian lane kung saan nabangga ang biktima bago mabilis na umalis ang rider nang hindi nagbibigay ng anumang tulong.

Napag-alaman ding walang valid driver’s license ang rider, habang inilagay naman sa alarm status ang motorsiklong sangkot upang mapadali ang pagtunton at pag-aresto rito.

Kasabay nito, inilagay na sa alarm status ang motorsiklo upang hindi ito mailipat o maibenta habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Inatasan ng LTO ang rider na humarap sa Intelligence and Investigation Division at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay upang sagutin ang mga patong-patong na reklamo. — Aliyah Esquillo, Contributor

Share this