MANILA, PHILIPPINES – Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magtataas sa teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Sa ilalim ng Republic Act 11997 o ‘Kabalikat Pagtuturo Act, madaragdagan ng P5,000 ang teaching allowance o chalk allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Ibig sabihin P10,000 na ang kanilang matatanggap kada taon na walang kaltas na buwis na maaari nilag gamitin pambili ng mga kagamitang kanilang kakailanganin sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Photo Courtesy: Presidential Communication Office
Sa talumpati ni Pangulong Marcos, Binigyang diin nito ang mahalagang gampanin ng mga guro sa paghubog ng mga kabataan sakanilang kinabukasan.
“Education is the only inheritance that we can live our children that can never be taken away from them,” saad ni Pangulong Marcos.
“Teachers are the unsung heroes of our society of any society for that matter, they toil and burn the midnight oil, they teach our children not for money, nor for prestige, they serve our country each day by teaching basic foundation to make them responsible and productive citizen,” dagdag pa nito.
Photo Courtesy: Presidential Communication Office
Sinabi rin ng Pangulo na sa bisa ng naturang batas matutulungan nito ang mga guro na mabawasan ang kanilang mga pinapasang tungkulin araw araw.
Partikular na dyan ang paggastos ng sarili nilang pera para makabili ng mga gamit sakanilang silid-aralan.
“It must take an incredible amount of love to sacrifice what little you have for the sake of your students despite having a financial worries of your own. with the passage of this law we are easing some of the burden that you carry each day,” saad pa ng Pangulo.
Kasunod ng pagsasabatas ng naturang panukala ang apela naman ng ilang kongresista sa Department of Budget and Managament (DBM) at Department of Education (Deped) na mapabilis ang pondo para sa dito upang mabilis makuha ng mga public school teachers.
Matatanggap ng mga guro ang P10,000 teaching allowance simula sa susunod na taon.
Si Senator Bong Revilla ang principal author at sponsor ng naturang batas na naglalayong kilalanin at suportahan ang mga guro sa bansa.
Photo Courtesy: Presidential Communication Office