PBBM, NAGBIGAY NG MENSAHE NGAYONG LABOR DAY

Manila, Philippines — Bilang pagdiriwang ng araw ng manggagawa o labor day ngayong May 1, 2026, nagbigay ng mensahe sina Pangulong Bongbong Marcos para sa mga manggagawang Pilipino.

Inilarawan ni Pangulong Bongbong Marcos na ang mga manggagawang Pilipino ay ang backbone o haligi ng bansa.

Tiniyak niya na ang administrasyon ay patuloy na ipagtatanggol ang dignidad ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng marami at maayos na trabaho at mas matibay na proteksyon sa mga manggagawa.

Samantala, naka-full alert status na ang kapulisan sa buong bansa para bantayan ang mga aktibidad kaugnay ng paggunita sa Labor Day.

Epektibo na rin ang suspensyon ng expanded number coding scheme ngayong araw.

Mayroon din libreng sakay na hatid ang LRT-2 at MRT-3 para sa mga Filipino workers.

Share this