Manila, Philippines — Epektibo simula nitong ika-14 ng Enero ang ikalawang linggo ng taas-presyo sa petrolyo ngayong taong 2025.
Sa abiso ng iba’t-ibang mga oil firms, P0.80 sa kada litro ng gasolina at kerosene habang P0.90 naman sa kada litro ng diesel.
Kabilang sa mga kumpanyang nagpatupad ng mga pagtaas na ito ang Caltex, Flying V, Petron Corp., Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas.
Gayundin sa Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc., maliban na lamang pagdating sa kerosene.
Iniuugnay ng Department of Energy-Oil Management Bureau ang mga pagtaas na ito sa presyo ng petrolyo sa pagbaba sa production data, pagdami ng employement sa Estados Unidos, inaasahang pagtaas sa demand ng petrolyo sa Asya, maging ang mga state emergencies sa US at Europa.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, piso ang itinaas sa kada litro ng gasolina at kerosene, habang P1.40 kada litro naman ang sa diesel.