SEC. DIZON, SINIGURO ANG MAAYOS NA DAAN SA CAMALIG-GUINOBATAN ROAD MATAPOS ANG ASHFALL NG MAYON

Personal na binisita ni DPWH Secretary Vince Dizon ang clearing operations sa Camalig-Guinobatan Road sa Maharlika Highway kaninang umaga upang tiyakin na ligtas at maayos itong madaraanan ng mga motorista matapos mabalot ng makapal na ashfall mula sa Bulkang Mayon.

Ayon sa DPWH, bahagi ang hakbang na ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng pag-aalboroto ng bulkan, pati na rin ng mga dumaraang motorista sa lugar.

Patuloy ang pagpapadala ng karagdagang kagamitan at manpower ng DPWH sa iba’t ibang kalsada sa lalawigan ng Albay upang mapabilis ang clearing operations. Layunin nitong agad maibalik sa normal ang daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Samantala, pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat at sumunod sa mga ipinatutupad na traffic advisories habang nagpapatuloy ang paglilinis sa mga apektadong kalsada.

Share this