- Senator-judge Robin Padilla na nagsasabing lumalabag siya sa batas: ‘Nakalulungkot isipin’
- Senator-judge Erwin Tulfo: Nagagamit ang impeachment trial para pag-usapan ang mga isyu ng kapwa niya Senador. Aniya, “gawin sa labas ng impeachment court.” Ilaan din daw dapat ang pakikinig sa depensa at prosecution.
- Tulfo: Hindi oras din para hanapin ang mga Senator na nawawala sa impeachment trial.
- Pangilinan: “Let us not abuse,” sa collateral matters sa impeachment trial.
- Presiding judge Chiz Escudero: May pagkakataon na mailabas ang mga hinaing ng mga Senador pagkatapos ng SONA ng Pangulo, oras na mag-convene ang Senado.
- Senate President Sherwin Gatchalian: Dadating ang oras sa pagtalakay ng mga isyu kapag matapos na ang recess ng Senado.
IMPEACHMENT PROPER:
- Tinanong ni Senator-Judge Joel Villanueva si House Prosecutor Chel Diokno kung paano masasabing hindi isang “fishing expedition” ang hiling na subpoena sa bank, tax, at Anti–Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice Pres. Sara Duterte. Ayon kay Diokno, konetakdo ang subpoena request sa Article II (unexplained wealth) ng Articles of Impeachment.
- Layon umano ng Prosecution na makita ang “entire financial picture” ng bise: “Makikita lang natin ang buong larawan ‘pag nailabas ang bank records.”
- Nagkasalungat ang panig ng depensa at prosekusyon sa usapin ng subpoena para sa bank records ni Vice President Sara Duterte.
- Ayon kay defense spokesperson Michael Poa, maituturing umanong “fishing expedition” ang hiling ng prosekusyon dahil saklaw nito ang halos 20 taong financial records ng Bise Presidente. Aniya, bagama’t hindi ito katulad ng pisikal na paghahalughog, nananatili itong isang mapanghimasok na hakbang.
- Samantala, nilinaw ni prosecutor Chel Diokno na ang subpoena ay hindi awtomatikong ginagawang ebidensya ang mga dokumentong hihingin. Aniya, layunin lamang nitong mabuo ang kabuuang financial profile at masuri ang mga alegasyon ng umano’y unexplained wealth.
- Senator-judge Pia Cayetano kaugnay ng aplikasyon ng fruit of the poisonous tree doctrine at ng kasong Stonehill v. Diokno: Magkaiba ang konteksto ng search warrant at subpoena, ayon kay House prosecutor Rep. Chel Diokno. Ang search warrant ay may mas mahigpit na limitasyon dahil maaari itong magbigay-daan sa paghahalughog ng isang lugar, habang ang subpoena ay para lamang sa pagsusumite ng partikular na mga dokumento.