13 DRUG PUSHERS ARESTADO; ₱61K SHABU NASAMSAM — NEPPO

Cabanatuan City, Philippines – Labintatlong hinihinalang drug pushers ang naaresto sa isinagawang sunod-sunod na anti-illegal drug operations ng Nueva Ecija Police Provincial Office o NEPPO noong Abril 15.

Sa kabuuan, umabot sa ₱61,692 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.

Sa bayan ng General Tinio, pitong suspek ang nadakip sa dalawang buy-bust operations, kung saan narekober ang tinatayang 2.24 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱15,232.

Ayon kay NEPPO Provincial Director PCOL Ritchie R. Claravall, patuloy ang pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga sa lalawigan.

“NEPPO will continue to intensify its anti-illegal drug operations across the province to dismantle drug networks and ensure that those involved are brought to justice,” pahayag ni Claravall.

Samantala, anim pang suspek ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Rizal, San Antonio, Gapan City, Jaen, at Sto. Domingo Police Stations, kung saan nasamsam ang 1.5 gramo ng marijuana at 6.7 gramo ng shabu na may kabuuang halagang ₱46,460.

Narekober din ng mga operatiba sa Gapan City ang isang caliber 9mm pistol sa isa sa mga operasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.—Carlos Concha, Contributor

Share this