Nasawi ang apat na tao kabilang ang 20 sugatan sa pambobomba ng Israel sa Southern Lebanon noong linggo, September 6.
Ayon sa pahayag ng militar ng Israel, Isinagawa ang pag-atake bilang ganti sa pagpapakawala ng Hezbollah ng dalawang drone laban sa sundalo ng Israel Defense Force na nasa self declared “security zone”.
Iginiit ng Israel na isa itong hudyat na paglabag sa mga kasunduan sa pambansang seguridad.
Naganap ang mga pagsabog sa ilang bahagi ng southern lebanon kabilang ang mga bayan ng Nabatieh, Arab Salim, Nabatieh al-fawqa, at Kfar Reman.
Ayon sa Ministry of Health ng Lebanon, dalawa sa mga biktima ang nasawi sa bayan ng Nabatieh al-Fawqa, matapos patamaan ng Airstrike ang isang gusali doon.
Nakuhanan naman ng video ang mismong pagwasak nito.
Ayon sa tanggapan ni Lebanese President Joseph Aoun’s, winasak ng naturang mga pag-atake ang isang ospital at Ministry of Finance.
Bago ang pagatake naglunsad ng babala ang Israel Defense Forces sa mga residente na lumikas na sa lugar dahil ginagamit ito diumano ng teroristang Hezbollah.
Itinatayang 4,300 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Lebanon ayon sa ulat ng mga awtoridad.
Tinukoy ng pamahalaan ng Lebanon ang mga bagong pag-atake bilang isang dangerous escalation sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa dalawang bansa.—Gab Ramos, Contributor