DATING CAINTA MAYOR, ITINALAGA BILANG PCO UNDERSECRETARY

Manila, Philippines – Pormal nang itinalaga si Ramon “Mon” Ilagan bilang Undersecretary for Operations ng Presidential Communications Office (PCO), ayon sa kumpirmasyong ibinigay ni Communications Acting Secretary Dave Gomez.

Bago ang kanyang bagong posisyon, si Ilagan ay nagsilbing Assistant Secretary at tagapagsalita ng Department of Transportation (DOTr). Isa rin siyang dating beteranong mamamahayag at naging alkalde ng Cainta, Rizal mula 2004 hanggang 2013.

Nilinaw ni Gomez na hindi papalitan ni Ilagan ang kasalukuyang PCO Undersecretary at Palace Press Officer na si Claire Castro, kasabay ng pagtanggi sa mga ulat ng umano’y “shake-up” sa ahensya.

Ang pagtatalaga kay Ilagan ay bahagi umano ng pagpapalakas sa operasyon ng PCO upang mas epektibong maihatid sa publiko ang mga programa at polisiya ng administrasyon.

Share this