Kasunod ng pag-urong ng houase prosecution ng tatlong kaso ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial nito, iginiit naman ng kampo ng bise na pag-amin daw ito ng prosekusyon walang matibay na basehan ang mga kaso sa bise.
Noong Martes, nagdesisyon ang prosekusyon na tutukan na lamang ang aricle II na pumapatungkol sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman at maging ang mga hindi idineklarang yaman ng bise presidente at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio.
Giit ni Atty. Salvador Paolo Panelo, spokesperson ng office of the vice president, pag-amin daw ng prosekusyon ang pagbawi sa tatlong article of the impeachment ng bise.
Dahil walang sapat na basehan ang mga alegasyon mula pa noong mag-umpisa ang impeachment trial.
Binigyang diin din ni Panelo na ang desisyon ng prosekusyon ay pagtanggi sa bise presidente sa due process at kawalan ng hustisya.
Hindi raw kasi nito binigyan nga pagkakataon si Duterte na harapin ang mga bintang laban sa kanya at mailatag ang mga ebidensya sa sente impeachment court.
Binatikos din ni Atty. Panelo ang umano’y kakulangan sa pag-alma ng senate majority block matapos ang nagging desisyon ng prosecution na iatras ang tatlong reklamo sa bise.
Ani Panelo, sinayang ng prosekuyson ang oras at pondo ng gobyerno sa paglalatag ng kanilang mga ebidensya sa mga reklamong kanilang binawi.
Giit ni Panelo, posibleng lumagpas pa sa isang bilyon ang pondong nagamit ng prosekusyon para sa pagtalakay lamang sa article I at article IV.
Pinaratangan pa ng tagapagsalita ng OVP na ang pagconvict sa bise ay posibleng makabawas sa boto ng mga senator-judge sa 2028 election.
Inihayag ni defense lead counsel Atty. Sheila Sison na hindi makakaapekto sa paghaharap ng sarili nilang mga ebidensya ang desisyon ng prosekusyon na ibasura o i-drop ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Samantala, pansamantalang itinigil ni Senate Presiding Officer Francis ‘Chiz’ Escudero ang pagdinig upang makipag-konsulta sa mga senator-jiudge bago opisyal na inilabas ang kaniyang desisyon na tanggapin ang pagbawi sa tatlong artikulo ng impeachment.
Binigyang-diin ni Senate Presiding Officer Francis Escudero sa kaniyang opisyal na desisyon na ang Articles 1 at 4 ay pinal nang ibinasura at hindi na maaaring muling buhayin sa kasalukuyang impeachment trial.
Nilinaw ng presiding officer na hindi na rin ito maaaring muling ihain, usigin, o ipasa laban sa Bise Presidente—basta’t nakabatay sa parehong mga akusasyon, aksyon, at kaparehong batayang transaksyon, anuman ang baguhing pananalita o komposisyon ng prosecution panel.