PBBM, DEPED, LGUs LUMAGDA NG KASUNDUAN PARA PABILISIN ANG KONSTRUKSYON NG MGA CLASSROOM SA BANSA 

Manila, Philippines – Sa layuning matugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan at maiangat ang mas dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.

Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng mga Provincial Governor mula sa Luzon, Visayas at Mindanao kabilang na ang BARMM, sa pagitan ng Department of Education (DepEd) para pabilisin ang konstruksyon ng mga karagdagang classroom sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa ilalim ng MOU, pangagasiwaan ng mga LGU ang supervision, rehabilitation, procurement at monitoring sa araw araw na implementasyon ng mga contractor sa proyekto at iba pang on the ground inspection.

Habang ang DepEd naman ang magbababa ng pondo sa mga lokal na pamahalaan, sila rin ang tutukoy ng mga paaralang kinakailangan ng konstruksyon, magbibigay ng standard design, at titiyak na hindi matitipid ang pondo.

Diretsong ibababa ang pondong gagamitin sa mga LGU mula sa Deped at hindi na ito dadaan pa sa National Government.

Kasama sa General Appropriations Act (GAA) ang pondong gagamitin dito na nagkakahalaga ng P85.39B sa ilalim ng basic education facilities.

Kung tatanungin naman daw ang Pangulo sa pangambang baka magkaroon ulit ng mga ghost at substandard project, tiwala raw siyang hindi ito pahihintulutan ng mga LGU, lalo’t nasa ilalim ng MOA na mandatong tututukan ng mga lokal na pamahaalaan ang konstruksyon.

Samantala, target ng MOA na makapagpatayo ng 4,000 mga classrooms nationwide sa ilalim ng first tranche ng nilagdaang kasunduan. 

Matatandaan na noong nakaraang taon, halos nasa 145,000 units pa ang kulang na classroom sa buong bansa.

Naging saksi naman sa MOA signing sina Education Secretary Sonny Angara, Senate Committee Chairman for Basic Education Senator Bam Aquino, 

Pasig City Lone District Representative Roman Romulo, Chairperson ng House Committee for Basic Education sa House of Representatives. 

Share this