Manila, Philippines – Ilang buwan bago ang nakatakdang 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na magaganap sa November 2 ngayong taon.
Iniulat ng Commission on Elections (COMELEC) na umabot na sa 2,382,364 ang mga bagong botante na nagparehistro sakanilang komisyon sa nakalipas na apat na buwan.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia pinakamarami sa mga ito ay nagmula sa Region IV-A na may kabuuang bilang na 424, 454 halos kalahati nito, mga kababaihan.
Sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 253, 202 at 3,279 na nanggaling sa Special Register Anywhere Program na isinasagawa sa Main Office.
Sabi ng Comelec, magtatagal ang voters registration ng hanggang May 18 2026.
Sa mga natitirang mga buwan bago ang huling araw ng pagpaparehistro, may mga nakatalagang Special Register Anywhere Program booth sa mga piling lugar sa bansa upang hindi lumayo pa ang mga nais magparehistro upang makaboto.
Tuloy tuloy rin daw ang kanilang pagsasagawa sa mga paaralan at komunidad ng voters education para sa darating na BSKE.
Mahigpit namang paalala ng COMELEC na ang identification Card lang na tatanggapin sa pagpaparehistro ay tanging Valid Government-Issued ID lang.
Hindi raw sila tatanggap ng Cedula, Barangay at company ID, certificate at Police Clearance.
Saklaw naman ng voters registration ang First-time voter, transfer of registration, Correction of Entries to change status, at Reactivation.