Manila, Philippines – Sinisikap ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga construction workers na nawalan ng hanapbuhay sa nakalipas na tatlong buwan.
Kabilang sa ginagawang hakbang ng ahensya ang pagpapabilis at pagpapakilos ng Quick Response Team (QRT) na tutulong sa mga manggagawa sa pamamagitan ng kanilang Employement facilitation gaya ng DOLE Integrated Livelihood at Emergency Employement, TUPAD at iba pang livelihood program.
Ayon sa DOLE bahagyang bumagal ang pagpasok ng mga proyekto sa construction industry ng bansa dahilan para dumami naman ang mga displaced workers.
Gayunpaman, iniulat ng ahensya na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang mga lokal na pamahalaan para sa job fair at iba pang suporta na maaari nilang ibigay sa mga manggagawa.
Sa katunayan daw, December pa lang noong nakaraang taon nakapag roll-out na sila ng mga TUPAD Program, at job fair na may hired on the spot.
Nagiging katuwang din daw nila ang Public Employment Service Office (PESO) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na may local at international employers.
Matatandaan na noong nakaraang taon, nabanggit ni Senator Risa Hontiveros sa pagtalakay ng 2026 proposed budget ng DOLE na higit 100,000 na manggagawang Pilipino ang naapektuhan ng job displacement.
Matapos na kanselahin ang lisensya ng ilang construction company na sangkot sa mga flood control projects.