PBBM, PINANGUNAHAN ANG PAGLULUNSAD NG “TRABAHO AT NEGOSYO”  SA ISANG MALL SA PASAY CITY 

Manila, Philippines – Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa SM Mall of Asia (MOA) sa Pasay City, ngayong araw upang pangasiwaan ang paglulunsad ng ‘Go Negosyo Trabaho at Negosyo’ sa ilalim ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ng pamahalaan. 

Nakasama ng Pangulong BongBong Marccos ang Founder ng Go Negosyo, na si Joey Concepcion, at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque.

Pinagsasama-sama ng programa ang mga stakeholder mula sa pampubliko at pribadong sektor, kabilang ang Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Social Security System, at Bureau of Internal Revenue, gayundin ang mga pribadong grupo tulad ng Private Sector Advisory Council–Jobs Sector at Philippine Franchise Association, upang tumulong sa pagpapalawak ng mga oportunidad sa trabaho at entrepreneurship para sa mga Pilipino.

Itinatampok sa pagbubukas ng MSMEs ang mga mahahalagang makina na makatutulong sa  inclusive growth employment creation, program features plenary learning sessions, job fair, business mentoring sessions at partner booths.

Kabilang na dito ang pagsuporta sa upskilling at reskilling para sa pagpapalawak ng MSMEs sa bansa.

Gumawa rin ng isang dynamic platform ang ahensya upang direktang makakonekta ang mga pilipinong naghahanap ng trabaho.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this