Manila, Philippines — Mariing itinanggi ni Vice president Sara Duterte ang lote na ipinakita ng National Bureau of Investigation (NBI) na pagmamay-ari umano ng Bise presidente at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio.
Batay sa kanyang pahayag, nakababahala na araw ang mga operasyon ng NBI na walang malinaw na pakinabang sa publiko.
Giit ni Duterte, hindi raw nya pagmamay-ari ang lote na isinapubliko ni NBI dir. Atty. Melvin Matibag na sinabi nitong nakasaad sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Networth (SALN).
Aniya ng bise, ito raw ang dahilan kung bakit inalis ang NBI sa listahan ng mga testigo ng prosekusyon sa kanyang impeachment trial, partikular ang paglilinlang sa publiko sa pamamagian ng mga kwestyonableng mga ebidenya.
Nabanggit ni Duterte ang Gracioso Affidavit na pinaparatang siya at kanyang pamilya na tumanggp ng milyong-milyong pera mula kay dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Paalala niya, pera ng taumbayan ang ginagamit sa mga operasyon ng isang ahensya, kaya nararapat lamang daw na tiyakin na bawat hakbang nito ay naaayon sa batas, katotohanan, at nagsisilbi para sa interest ng mga Pilipino.
Noong Lunes, sinabi ni Atty. Matibag na iniimbestigahan na ng NBI ang ilang ari-arian ng bise presidente at ng kanyang asawa mula sa labing apat na assets na nakasaad sa SALN ng bise.
Ito’y matapos may mapansing irregularidad sa mga ari-ariang nakadeklara.
Ayon kay Matibag, ipinakita umano sa affidavit ni Gracioso ang isang pattern ng land banking o pagbili at pag-iipon ng mga lupa na iniuugnay sa pamilya Velasco.
Sinisiyasat na rin ngayon ng NBI kung may kahalintulad na pattern sa mga ari-arian ng pamilya Duterte.
Nauna nang iginiit ni Gracioso na naghatid siya ng pera kina Vice President Sara Duterte, Davao City Representative Paolo Duterte, at dating Pangulong Rodrigo Duterte, alinsunod umano sa utos ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Binanggit ni Matibag ang isang lupang agrikultural sa Barangay Catigan na idineklara umanong nagkakahalaga ng ₱437,000 hanggang ₱450,000.
Ngunit nang bisitahin daw ito ng isang ahente, isang pribadong resort na ang nakatayo rito.
Bunsod ng mga alegasyon ni Matibag sa pamilya Duterte, hinamon ni Davao City Representative Paolo Duterte ang hepe ng NBI na maglabas ng matibay na ebidensya sa mga paratang nito.—Krizza Lopez, Eurotv News