HONTIVEROS, NANAWAGAN NG AGARANG PAGPASA NG EMERGENCY SUPPLEMENTAL BUDGET PACKAGE DAHIL SA NAPIPINTONG PAGTAAS NG LANGIS

Manila, Philippines – Dahil sa napipintong pagsirit ng presyo ng langis ngayong linggo habang lumalala ang sigalot sa Middle East. 

Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros ang P52.8 billion pesos emergency supplemental budget package sa senado. 

Ayon kay Hontiveros, hindi ito tingi-tinging tulong na maaaring ibigay ng gobyerno sa mga sektor na direktang tatamaan ng krisis sa langis. 

Sa P52.8 billion na emergency fund na isinusulong ng mambabatas, binubuo ito ng P12 billion  para sa transportation subsidy, P2.8 billion agriculture subsidy, at tinatayang P38N billion na emergency fund para sa mga overseas Filipino workers’ repatriation at reintegration. 

Ayon umano sa Department of Energy, nasa 2.5 billion pesos lamang ang maaaring gamitin na continuing funds mula sa 2025. 

Pahayag ni Hontiveros, malayong-malayo ito sa 12 billion pesos na problema sa langis ng sektor ng transportasyon. 

Samantala, ayon sa Department of Agriculture, 150 million pesos lamang ang subsidy funding. 

Ngunit batay sa pag-aaral ng kampo ni Hontiveros, kung magtatanggal pa ang gyera ng US-Israel laban sa Iran, ay maaaring umabot sa 2.8 billion pesos ang gastusin sa agrikultura. 

At panghuli, 1.76 billion pesos na mayroon ang Department of Migrant Workers para sa repatriation ng mga Overseas Filipino workers ay limited lamang umano sa ilang OFW.

Saan kukunin ang malaking pondo para sa Emergency Supplemental Budget Package? 

Ayon kay Hontiveros, maaaring kunin ang pondo nito sa tinatayang 70 billion pesos mula sa mga hindi natuloy na flood control projects noong 2025. 

Mayroong pa umanong 2.5 billion pesos mula pharmachinery ng Philippine Center for Postharvest development and modernization na maaaring i-repurpose bilang agriculture subsidy. 

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng kongreso ang hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na emergency power. 

Aniya Hontiveros, kahit paboran nila ang hiling ng pangulo, hindi pa rin sapat para matapatan ang krisis sa langis kinakaharap ng Pilipinas. 

Isang linggo na ang nakalipas ng atakihin ng US at Israel ang Iran. 

Bunsod nito, naipit ang mga oiltankers sa strait of hormuz dahilan para tumaas ang presyo ng langis at maging banta ekonomiya.

Noong nakaraang linggo, nagpahiwatig na si Pangulong Marcos ng pamimigay ng fuel subsidy sa mga tatamaan ng paglobo ng presyo ng langis at ang pahingi niya ng pabor sa kongreso na bigyan siya ng kapangyarihan na suspendihin o tanggalin ng mga buwis na kaakibat sa langis.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this