PALASYO, NANINDIGANG WALANG KRISIS SA SUPPLY NG LANGIS SA PILIPINAS SA GITNA NG PATULOY NA PAGTAAS NG PRESYO

Manila, Philippines – Sa kabila ng patuloy na pagsirit ng presyo ng langis sa Pilipinas bunsod ng alitan sa gitnang silangan na nagdudulot ng pag-ipit ng supply ng produktong ng langis.

Nanindigan pa rin ang gobyerno ng Pilipinas na walang krisis sa langis bansa at tiniyak na may sapat pang supply ang bansa. 

Ayon kay palace communication officer at Undersecretary Atty. Claire Castro, nabanggit niya ang pahayag ni Department of Energy Secretary Sharon Garin na hindi pa kinokonsiderang may krisis sa langis. 

Ibinahagi rin ni Usec. Castro na mayroon ng negosasyon kaugnay sa pag-aangkay ng DOE ng 440,000 barrels at 600 thousand barrels.

Ito aniya ay batay sa direktiba ni Pangulong Marcos na hindi mapatid ang supply ng produktong petrolyo sa Pilipinas. 

Giit ng palasyo, tanging ang pagtaas lamang ng presyo sa pagkain ang kanilang nakikitang suliranin. 

Ayon kay Castro, hindi pa masasabing mayy krisis sa langis ang bansa dahil sa patuloy na pagsusumikap ng gobyerno na magkaroon ng sapat na supply ng produkto. 

Ngunit lingid sa kaalaman ng publiko na mula noong sumiklab ang gyera sa Middle East ay nagsimula nang magtaas ang presyo ng langis sa bansa. 

Gayong ang nauna sinabi ng pangulo na may sapat na supply ng langis ang pilipinas na kayang umabot mula 30 araw hanggang 60 araw na nabili pa sa mas mababang presyo.

Giit ni Castro, ito ay bunsod ng umiiral na Oil Deregulation Law o ang Republic Act No. 8479. 

Nakasaad dito na na-base ang mga pribadong kumpanya ng langis sa pagpepresyo nito sa international benchmark prices. 

Matatandaan na matagal nang hinaing ng grupo ng transportasyon ang pagbuwag sa Oil Deregulation Law dahil sa pagtaas ng presyo ng mga langis noon pa man. 

Bukod sa deregulation law, panawagan din ng grupo sa naganap na nationwide protest noong nakaraang linggo ang pagtatanggal ng excise tax  at value added tax sa mga produktong petrolyo. —Krizza Lopez, Eurotv News

Share this