Dahil sa sunod-sunod na linggong pagtaas ng presyo ng petrolyo sa Pilipinas, daan-daang gasolinahan ang nagsara na, batay sa datos ng Philippine National Police.
Sa press conference ng PNP ngayong Lunes, ibinahagi ni PNP spokesperson PBGen Randulf Tuano na umabot na sa 403 na gasoline station tumigil na sa kanilang operasyon.
Nakipag-ugnayan na ang PNP sa Department of Energy para imbestigahan kung may kaugnayan ang closure ng mga ito sa hoarding o profiteering.
Batay sa datos ng ahensya, may kabuuang bilang na 14,313 na gasolinahan sa bansa.
Pahayag ni Tuaño na naiintindihan ng PNP ang sitwasyon ng mga gas station owner sa pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa sigalot sa gitnang silangan.
Ngunit binigyang diin din ng opisyal na kung ang biglaang pagsasara ay may ilegal na layunin, asahan aniya ang pagkilos ng kapulisan tungkol sa usaping ito.—Krizza Lopez, Eurotv News