DSWD, PHILHEALTH NAGBIGAY NG TULONG SA MGA CAFGU SA CAGAYAN

Tumulong ang pamahalaan sa mga CAFGU sa Cagayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal at serbisyong pangkalusugan.

Sa Lal-lo, Cagayan, pinangunahan ng 17th Infantry Battalion kasama ang Department of Social Welfare and Development at PhilHealth ang pagbibigay ng tulong sa mga CAFGU Active Auxiliary personnel.

Ayon sa 17IB, kabilang sa tulong ang financial assistance mula sa DSWD upang matulungan ang mga benepisyaryo sa kanilang pangangailangan habang nagsisimula sa bagong trabaho.

Isinailalim din ang mga benepisyaryo sa PhilHealth YAKAP program upang mabigyan sila ng access sa serbisyong pangkalusugan.

Sinabi ng mga opisyal na layunin ng programa na mapalakas ang kakayahan ng mga CAFGU sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Dagdag pa ng mga ahensya, patunay ang koordinasyon ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa patuloy na suporta para sa kapakanan at seguridad ng mga community defenders.–Carlos Concha, Contributor

Share this