EX-BRODKASTER NA SI JAY SONZA, ARESTADO

Quezon City, Philippines — INARESTO NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION ANG BETERANONG BRODKASTER NA SI JAY SONZA SA QUEZON CITY KAGABI APRIL 30.

Isinagawa ang pag-aresto batay sa warrant na inilabas ng Pasay City Regional Trial Court sa parehong araw.

Ang kaso ay may kaugnayan sa unlawful means of publication dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa kalusugan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Gayunman, kinuwestyon ng kampo ni Sonza ang lumabas sa arrest warrant.

Ayon kay Atty. Mark Tolentino, nakapaloob kasi sa kaso ni Sonza na non-bailable o hindi maaaring makapag-piyansa ang dating brodkaster.

Pagbibigay-diin ni Atty. Tolentino, mali umano ang nakasaad sa warrant.

Aniya, ang kaso ay bailable as a matter of right alinsunod sa umiiral na batas.

Tinitiyak naman ng kampo ni Sonza na ginagawa nila ang lahat para hilingin ang agarang pagpapalaya ng brodkaster.

Share this